Sunday, February 8, 2009

Usapang Chicharon

Sunday, February 8, 2009
1AM na yun nang dumating kami ni jury sa bahay. natagalan kaming nakapasok kasi akala namin wala nang gising para magbukas ng pinto. pero *swooosh* ayan na si altair at pinagbuksan pa kami.

altair: kuya jury, san kayo galing?
jury: ah, sa pasig. nakipagkita kami sa mommy ko.
altair: may dala kayong pagkain?
taw: meron. chicharon gusto mo?
alnair: ate ano yan? penge ako!

* binuksan na nila, kinain at naupo sa harap ng computer.

altair: bakit ibang klase tong chicharon na to?
alnair: oo nga. parang yung tig tatatlong piso.
jury: wow! astig, may ganun pa pala. tig tataltong piso.
alnair: oo meron. pero masarap.
altair: oo nga. mas masarap pa sa binibiling mamahaling ni mommy.
alnair: di ka lang sanay sa mamahalin! POOOOR!
jury: oo nga eh, sarap sana nito kaso nakakabata.
altair: panong nakakabata?
alnair: gagapang ka ulit. ako: HAHAHA.
jury: hinde, nakakahigh blooed yan.
altair: tama, wag na natin pakainin si ate. baka ma high blood. puro na kasi taba.
ako: o sige, patayin nyo na yan at magsitulog na kyo.

ayos kasi eh. may pasalubong na nga, pinagbigyan ku na sila mag-pc kahit late na. pero ako pa rin ang nasiraan ng puri.

kinabukasan...

jury: babs! gising na. nakapamalengke na kame nila mommy. kakain ka nalang. (oha oha. buhay prinsesita!)
mommy: hoy inday! ang layo na ng narating ng jogging jogging mo ha. bumangon ka na at kakain na. sisimba pa tayo.
ako: opo. nakabangon na nga oh.

sa simbahan...

alnair: ate, ipasok kaya natin sa seminaryo si altair.
ako: HAHA. Ma, ipasok daw natin sa seminaryo si altair.
mommy: buti pa, para mabawasan ang mga convict sa mundo. magiging kriminal yan paglaki eh. altair: hoy! kristyano ako sa puso at diwa.


jury: mommy, si alioth po ba hindi natin aantayin?
mommy: hindi na, magwawalis pa yun sa simbahan at maglilinis kay father.
jury: talaga po?
mommy: ay gago. haha bakit gusto mo din tumulong?

pagdating sa bahay...

jury: babs! ayaw umikot ng washing machine.
ako: hala. patay tayo dyan. dami pa naman natin inuwing labahan.
mommy: hoy jury natakot sa brief mo. ang dami mo naman labahan, ilang buwan mo ba inipon yan? malupet na yung katas nyan. donna! (the yaya) tikman mo yung sabaw ng brief kung tama na sa lasa at iulam natin.
jury: oo nga ate donna. may bunga na nga yan. pitasin mo na.
mommy: yung bunga korteng bird. HAHA.
mommy: hoy jury, ano ba tong mga brief mo (hawak ang mala-bacon na brief)?
jury: mommy, pang tulog ku pu yan.
mommy: ay bading! pati brief may pang tulog. ayos ka pa magsampay. nakabroadcast masyado. HAHA

Photobucket
Photobucket
Photobucket


HAHA. ayun, basag na basag si jurybeybe. HAHA. lalaban ka pa sa laitan kay mommy ha.
 
Design by Pocket